Lifegate, Inc., P.O. Box 5, Monrovia, IN 46157-0005 Phone: (317) 539-4466 ~ Fax: (317) 539-5293 ~ info@godssimpleplan.org |
||
Payak Na Paraan Ng Diyos Ukol Sa KaligtasanKAIBIGAN:Itinatanong ko sa iyo ang pinakamahalagang tanong ng buhay. Ang iyong katuwaan o ang iyong kalungkutan sa ngayon at sa walang hanggan ay nakasalalay dito. Ang tanong ay: Ikaw ba’yLIGTAS?Hindi ang kahulugan nito ay kung ikaw ay kaanib sa isang iglesiya, kundi lkaw ba’yLIGTAS?Hindi rin ito nangangahulugan kung gaano ka kabuti, kundi, lkaw ba’yLIGTAS?Sinuman ay hindi makatatanggap ng mga biyaya ng Diyos o makaparoroon sa langit nang hindi ligtas. Sinabi ni Jesus kay Nikodemo sa Juan 3:7 —“Kinakailangang ipanganak kang muli.”Ibinibigay ng Diyos sa atin sa Kaniyang Banal na Salita angTANGINGparaan ukol sa Kaligtasan. Ang Paraan ay payak: Ikaw ay maililigtasNGAYON. Una, kaibigan, dapat mong tanggapingIKAW AY ISANG MAKASALANAN.Mga Taga- Roma 3:10, 22, 23, —“Walang matuwid, wala,WALA, KAHIT ISA. Sapagka’t walang pagkakaiba: sapagka’t ang lahat ay nangagkasala, at hindi nangakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos.” WALANG PAG-ASANG MAKALIGTASmaliban na kung tatanggapin mong ikaw ayMAKASALANAN. Sapagka’t ikaw ay makasalanan, ikaw ay hinatulang mamatay. Romano 6:23 —“Sapagka’t ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan.”Santiago 1:15 —“Ang kasalanan — ay namunga ng kamatayan.” Ang kahulugan nito ay ang pagkakahiwalay sa Diyos, at pamamalagi saIMPIYERNO MAGPAKAILANMAN.Kakila-kilabot? Oo, kaibigan, nguni’t, totoo ito. Datapuwa’t gayon na lamang ang pagsinta ng Diyos sa iyo, naIBINIGAY NIYA ANG KANIYANG BUGTONG NA ANAK,si Jesukristo, bilang iyongKAHALILI,Na nagdala ngIYONGmga kasalanan at namatay para sa iyo. Il Mga Taga-Korinto 5:21 —“Yaong si Jesus hindi nakakilala ng kasalanan ay kaniyang inaring may sala dahil sa atin: Upang tayo’y maging sa kaniya’y katuwiran ng Diyos.” 1 Pedro 2:24 —“Na siya rin ang nagdala ng ating mga kasalanan sa kaniyang katawan sa punong kahoy, upang pagkamatay natin sa mga kasalanan, ay mangabuhay tayo sa katuwiran; na dahil sa kaniyang mga sugat ay nangagsigaling kayo.” Hindi natin maunawaan kung paanong ipinapasan kay Jesus ang ating kasalanan, nguni’t sinasabi ng Diyos saKANIYANG SALITAna ganoon nga. Kaya, kaibigan, angIYONG KASALANAN AYipinapasanKAY JESUSatSIYA’Y NAMATAYSA HALIP MO. Totoo ito. Ang Diyos ay di maaaring magsinungaling. Tinanong ng bantay sa bilangguan ng Pilipos sina Pablo at Silas, “Ano ang dapat kongGAWINupangMALIGTAS?” Ang Mga Gawa 16:31“At kanilang sinabi, Manampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka, ikaw at ang iyong sambahayan.” Maniwala ka lamang sa Kaniya na Siyang nagpasan ngIYONG KASALANAN, NAMATAYdahil saIYO,inilibing, at nabuhay na muli para saIYONG IKAPAGIGING GANAP.Ngayon din ay tumawag ka sa Kaniya. Mga Taga-Roma 10:13 —“Sapagka’t, Ang lahat na magsisitawag sa pangalan ng Panginoon ay mangaliligtas.”Ang unang dalangin para sa isangMAKASALANANay nasa — San Lukas 18:13 —“Datapuwa’t ang maniningil ng buwis, na nakatayo sa malayo ay ayaw na itingin man lamang ang kaniyang mga mata sa langit, kundi dinadagukan ang kaniyang dibdib, na sinasabi, Diyos, ikaw ay mahabag sa akin, na isang makasalanan.”Ikaw ay makasalanan at dahil doon ikaw ay nagsisisi.NGAYON DINsaan ka man naroroon, ilapit mo sa Diyos ang iyong puso sa pananalangin. Hindi na kailangan ang mahaba at malakas na pananalangin, sapagka’t ang Diyos ay naghihintay upang iligtas ka. Sabihin mo lamang: Diyos ko, ako po’y makasalanan at ako’y nagsisisi,MAHABAGpo kayo sa akin, atILIGTASako alang-alang kay Jesus. Tanggapin moSIYAayon sa Kaniyang Salita. Mga Taga-Roma 10:13 —“Sapagka’t ang lahat(KABILANG KA)na nagsisitawag sa Pangalan ng PanginoonAY MALILIGTAS(MALILIGTAS,hindi baka o marahil ayMALILIGTAS).”Tanggapin mo Siya ayon sa KaniyangSALITA.Pagkatapos nito,ANGKININ MO ANG KALIGTASANsa pamamagitan ng pananampalataya ayon sa KaniyangSALITA. MANAMPALATAYA KAatIKAW AY MALILIGTAS.Walang simbahan, lohiya, o mabubuting gawa na makapagliligtas sa iyoWALA KUNDI SI KRISTO LAMANG ANG MAKAPAGLILIGTAS SA IYO. Ang payak na paraan ng kaligtasan ay:IKAW AY MAKASALANAN:dahil dito ikaw ayDAPAT MAMATAYo dili kaya ay manampalataya kay Kristo na siyang humalili sa iyo at namatay. SaHALIP MO,inilibing at binuhay na maguli. Tumawag ka saDIYOS NA TINATANGGAP MONGikaw ay makasalanan at hingin mo saKANIYANGkahabagan ka at iligtas ka alang-alang kay Jesus.Sasabihin mo marahil, “Iyan lamang ba ang kailangan upang maligtas?” Oo, Iyan lamang. Salamat sa Diyos at marami ang na kay, Kristo sa payak na paraang ito. Ito’y Ayon sa Banal NaKASULATAN.ITO ANG PARAAN NG DIYOS.Kaibigan,PANAMPALATAYANAN MO ITO AT SUNDIN NGAYON DIN.Ngayon ang panahong ukolngayon ang araw. II Korinto 6:2 — (Sapagka’t sinasabi niya,“Sa panahong ukol kita’y pinakinggan, At sa araw ng pagliligtas kita’y sinaklolohan: Narito, ngayon ang panahong ukol; narito, ngayon ang araw ng kaligtasan:”) Mga Kawikaan 27:1 —“Huwag mong ipaghambog ang kinabukasan: Sapagka’t hindi mo nalalaman kung ano ang ilalabas ng ibang araw.” Kung di pa lubos na malinawan,BASAHIN MONG PAULIT-ULIThanggang maunawaan mo. Huwag bitiwan ang babasahing ito hanggang sa maunawaan mo.ANG KALULUWA MOay higit na mahalaga kaysa buong daigdig. Markos 8:36, 37 —“Sapagka’t ano ang mapapakinabang ng tao, na makamtan ang buong sanlibutan, at mapapahamak ang kaniyang buhay? Sapagka’t anong ibibigay ng tao na katumbas sa kaniyang buhay?” TIYAKIN MONG LIGTAS KA NA.KAILANGAN MO ANG KALIGTASAN NANG HIGIT SA LAHAT. PAG NAPAHAMAK ANG KALULUWA MO, HINDI MO KAKAMTAN ANG LANGIT AT MAWAWALA SA IYO ANG LAHAT NG BAGAY.TULUNGAN KA NAWA NG DIYOS UPANG MALIGTAS KA NGAYON. Ililigtas ka niya atIINGATAN KA NIYA. I Korinto 10:13 —“Hindi dumating sa inyo ang lamang tukso kundi yaong matitiis ng tao: datapuwa’t tapat ang Diyos, na hindi niya itutulot na kayo’y tuksuhin ng higit sa inyong makakaya; Kundi kalakip din ng tukso ay gagawin naman ang paraan ng pag-ilag, upang ito’y inyong matiis.” HUWAG KANGmagtiwala sa iyong damdamin. Iyan ay nagbabago. Magtiwala ka sa mgaPANGAKOngDIYOS. ANG MGA ITO AY DI NAGBABAGO KAILANMAN. PAGKATAPOS MONG MALIGTAS, MAY TATLONG BAGAY NA DAPAT MONG UGALIIN ARAW-ARAW SA IKAUUNLAD NG IYONG KALULUWA: MANALANGIN KA — MAKIPAG-USAPka sa Diyos.BASAHIN MO ANG IYONG BANAL NA KASULATAN — Makikipig-usap sa iyo ang Diyos.IPAHAYAG MO SIYA — Magsalita ka para sa Kaniya. Mateo 10:32 —“Kaya’t ang bawa’t kumikilala sa akin sa harap ng mga tao, ay kikilananin ko naman siya sa harap ng aking Ama na nasa-langit.” Kung ligtas ka na, lihaman mo kami at nang kami ay makigalak sa iyo. |
||
Copyright: Robert Ford Porter, 1991 |